PAUNAWA SA BABASA
At kung ikaw ay babasa
Nang hindi magkamali ka
talastasin mong maganda
punto, tilde't, birgulilya.
Ang birgulilya'y ganito
tanda'y bibiglain mo
na ang sa apoy aso
di tumatahol na aso.
Ang lahat na para nito
siyang pagkakamalan mo
ay nang hindi ka malito
kasamang letra'y masdan mo.
Munting layo baga kaya
kahoy na ang ngala'y banga
sa mga nilutong lupa
mga palayok, at banga.
At ang sa apoy napaso
iba sa sisidlang paso
at ang damo namang pako
iba sa bakal na pako.
Ang patpat na nilala
pangalan niyon ay sala
dili iba rin sasala,
ng katauha't kaluluwa.
Sa adica iba rin nga
ang banayaw at ang bigla
parang sulat na natala
iba sa bito't tala.
Kaya nga pagingatan mo
lahat na sangguni dito
at kong ito'y masunod mo
bubuti kang escribano.
Poong ko papagalab
ang puso ko nang pagiyak
lubos na paghinging tawad
magdalita't, ipahayag
ang alila mong masikap
nang ako po'y mataas
sa kalangitan maakyat
Poon ako'y nanganganib
ng sala kong di mumuntik
ang dahila't, pagkabatid
kamatayang umuusig
na dangan ako'y kinipkip
ng pagaampon mong tikis
Ay! kung ano nang nasapit
Poon yaring aking loob
tumatangis sumisigok
puso ko po'y lumuluhod
naghahai't naghahandog
kahirapan mong sumakop
pagaadya mong tibubus
sa kapal mong balakyot
Ang grasya mo pong mahal
sa loob nami'y itamtam
at nang aming masunduan
luwalhating di mabilang
Sa iyo po magmarahil
ang puso nami't, panimdim
mga wika'y gagawin
ang sakdal ka punong galing
Poon kahit napurool
yaring puso ko'y naagom
sa kasaman dapo't ngayon
nagbabagong patutulong
Poon anong mailay
puso kong iyong pinukaw
kundi ang iyong inasal
sa aking isip at agam
ang sanglibuta'y alangan
kabilangang di mabilang
Puso ko'y nababaliw
sa kasalanang nagiliw
Poon tulungin humingil
mahal napansi't panimdim
yayamang saganang akin
tika ko't, nasa'y gumaling
Puso ko'y nabuburol
sa kasamang alimuum
nang kasalanang nabunton
Poon tulungi ang kampong
nang ang grasya mong nalooy
sa akin may pataboy
sala ko'y pawiing tuloy
nang luha kong dumadaloy
Yaong luklukang masaya
walang katapusa't, hangga
sa langit natatalaga
di masapit nang may sala
Ako ang nangungulugi
ang puhunan ko'y malaki
ang tinitipid kong puri
kung mawala'y mabibili
Sampaga sa pulong bato
pinupul nang tatlong pito
dinasanaan ang buko
bulaklak magpasadulo
Loob ko'y lubhang balisa
giyagis ang alaala
bait ma'y di makaya
tamba'y ako'y nagkasala
Ang buhay kong duahagi
sa galing di kabahagi
ang hirap namamalagi
siya ko lamang sarili
Aba nang batang pobre
na masamang lalaki
kaya lamang maigi
kung pinipintakasi
Kung wala ring sumaklolo
sa sukab na koro't lilo
yamang din natin matalo
umalis na tayo dito
baka tamaan sa ulo
Tanto ngang katakataka
itong ating pagbabaka
ang dating tapang naiba
karuwagan ang pamana
Ang sala'y kung binibili
ay ang parating pagkati
sa puso'y nanlalabi
di mahimlay araw, gabi.
Daliring nanghihinuko
ang kamukha'y nanlulumo
at nagpapawi nagpuyo
sa pagputol niyong buto.
Birhen pangadi'y ko'y kuha
yayang hindi pasumala
pagasa sa iyong adya
lubos napagkakalaksa
Nagtanim ako ng hiya
nang mabaon na sa lupa
namulak nang halimbawa
namunga nang kaawaawa.
Poon halinang madali
tulungi sa pagkasiki
dati mo rin ngang ugali
mapagkusa di man hingi
Kaayay ko'y di masaho
mahina ang aking puso
kundi ang tulong mo rin po
siyang pangahas kong lalo.
Eudocia ang paghihintay
yang madlang kabutihan
ay di mo pa itampulan
ibigin ang kababaan
Pagsisisi ang yakapin
kaawaang gawa'y gawin
luha sa lupa'y itanim
nang sa langit mong anihin.
Marami man ang Kanda
bulak ng Gumamela
di ako maligaya
saka na nalanta.
Magkapatid man pala
magkarugtong ang bituka
Kung ang isa'y ginhawa
hindi na magkilala.
Pawa ring may pamantayan
masama ma't, magaling man
dapo't, dili makapantay
ang balakyo't nang banal.
Katawa'y kung mamatay
Kaluluwa'y pagkaluwal
walang muwang walang malay
Kung kanino mapipisan
Kung sa kuhila, sa banal
ay kagyat ngang papanaw.
Nang katahimikan ng gabing malamig
kalaliman baga tulog pagkaidlip
katawa'y nangala'y ay napanaginip
o nakinikinita ng boo kong bait
karakara'y napakitang tambing
Isang kaluluwang kahihiwalay rin
sa katauhang siksik mga salang sawil
na nakagawian ang katawang taksil.
(Source: "Arte poético Tagalo" por Francisco Bencuchillo, 1710-1776.)
(LULLABY)
Nang si Paring ay matulog
Ipinagpatay ko ng manok
Sa Balanga ay nangitlog
Sa pinggan ay nagtilaok.
Nang si Paring ay maglambing
Isang linggong di kumain
Ang napita niya't nahiling
Isang kanggang murang saging.
Nang si Paring ay magtampo
Isang linggong di sumuso
Ang napita niya't nagusto
Isang kanggang murang siko.(PLANTING RICE )
Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko,
Di naman makatayo,
Di naman makaupo.
Halina, halina mga kaliyag,
Tayo'y magsipagunat-unat,
Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas.(FISHERMAN'S SONG)
Any mangingisda'y anong hirap
maghulog bumatak ng lambat
laging basa ng tubig dagat
pagod at puyat magdamag.
Habul ng habul sa kawan
walang tigil ng pagsagwan
halos mabali ang bayawang
sa paglakas ng pagkampay.
Lalo't masungsong sa unos
o sa hanging balakyot
buto'y nagsisilagutok
pahuhumindik sa gaud.(WOODCUTTER'S SONG)
Kung gunitain ko sa sariling lagay
ang aking gawain sa lahat ng araw
gawang mag Atsero ay kaligayahan
pagka't dito kami laging nabubuhay.
Any aking asawa sampung mga anak
nangagsisikain pagsapit ng oras
pagbagsak ng kahoy sa loob ng gubat
makakautang na sa mayroong pilak.
Lalo kung umigtad ang tatal ng kahoy
gawa ng matalas na aking palakol
araw ng Sabado pagsapit ng hapon
ako'y uutang ng puhunan sa sabong.
Ako ang Atserong hindi nagsasawa
sa mga pagputol ng gagawing bangka
nguni't pag nagipit sa pagsasalita
naugoy ang kahoy mayroon ng tampa.
(PULLING TIMBER )
Isa, dalawa, o tatlo
palo, palo, sigaw kayo
nasa bangin pa ang dulo
ng pahila nating trozo.
Sigaw kayo sa unahan
at paluin ang balangsang
hila, hila, at maluway
nariyan na sa ibabaw.
(ODDS OF LIFE: )
Aba Fedelina kung bihis ng bihis
Marami mang damit siempre mapupunit
Gayon din naman ang sinta't pagibig
Kung bago ng bago walang masasapit.
Aba Fedelina kung mananalamin
Ang mukha mo muna siyang salaminin
Ang uling mo muna, ang siyang pahirin,
Bago ka pumahid ng sa ibang uling.
Ang pagsinta mo'y parang putik lamang
Kapagka natuyo pilit manananggal
Ang nakatulad mo at siyang kabagay
Yaong amorsikong bala na'y sinundan.(HEART'S SONG)
Ito palang puso dalawang kalidad
May pusong mayama't may pusong mahirap
Ang pusong mayaman kaiba sa lahat
Inaalipusta ang pusong mahirap.
Ang pusong mahirap nasasalamesa
Pinaghahatulan ng pusong hustisya,
Puso ang humatol puso ang naghabla
At puso rin namam ang nagbigay dusa.
Puso ang maysakit, puso ang mediko
At puso rin naman ang igagamot ko
Puso ang almires puso ang nagbayo
At puso rin naman ang babayuhin ko.(HUMOROUS SONG)
Ang ale kong Neneng naligo sa ilog
Isang kaskong bato ang dalang panghilod,
Nagkabiyakbiyak nagkadurogdurog
Hindi pa naalis ang libag sa likod.
(WEDDING SONG )
Wala na sa mundong mabigat na pasan
na sa matrimonyo ang makakatimbang,
wala na namang dadalhing magaan
kung ang magdadala ay magkakatuwang.
Ito'y mabigat sa nangagpapari
at sa reliyoso man ay maiaangki,
naroroon na pinapagwawari
kung di makaya'y makapapahindi.
Ito'y himdi batong pinapasanpasan
ilagpak kung hindi na makakayanan
kung di isang krus na di bibitiwan
hanggang sa Kalbaryo na kakahangganan.(THE LADY)
Pagka ang dalaga'y madaling pa oo,
Asahan mo't lubhang maraming katrato
Ang mahihinaktin ay itangi ninyo,
May lihim na sinta't malaki ang gusto.
Ganito nga pala, sawing kapalaran
De paletang hagis ay hindi tamaan,
Totoo't may ilaw, di maliwanagan
Naghihingalo na'y di mapatdang buhay.
(PRIDE)
May isang paroparong lilipad-lipad
Sa kahoy na yaong malago't mataas,
May isa ding uod na tatapat-tapat
Sa bulok na kahoy pumasok lumabas.
Any sabi ng uod, "Di' baga nang una
Ay gaya rin kitang uod kang mistula
Sa bulok na kahoy doon tayo mula
Nang magkapakpak ka'y nagmalaki ka na.
Nang lumaki ka na'y nagmataas agad
Dahil sa pakpak mo na kikintabkintab
Ako namang yari sa iyo ay ilag
Dahil sa bulo mo na nakabubulag."
O, mga dalagang aking ginigiliw
Ang magandang palad nasa sa inyo rin
Kung ano ang punlang inyong itinanim
Ay siya rin namang inyong aanihin.
Samantalang kayo'y mga batang-bata
Dapat na maghasik ng mabuting gawa
Nang upang umani ng katuwatuwa
Matimyas na puring hindi mawawala.
(Source: "The Adarna bird : a Filipino tale of Pre-Spanish origin incorporated in the development of Philippine literature, the rapid growth of vernacular belles-letters from its earliest inception to the present day" by Eulogio B. Rodriguez.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment